The Multiplied Life of -KiRa-YaMaTo-

If you want to know more about me. visit My Multiplied Life, visit http://knightkira.multiply.com

03 September 2005

The Mother Of All Speeches

Sorry, if i hadn't posted on here since the very start of August, I become very very busy with my commitments her at school,, hmm, my very bad

But this is my project in Filipino to think about,, This is the speech i made for my "talumpati" for our subject. This may wake-up in the present situation of the current anime doom, not boom.

Many thanks to Anime kabayan, Kuya Jamibu, SoulAssassin and the guys at ZEN HQ for helping me out and to quote some passages for the speech

Behold, My Speech


"Pananaig ng Isang Kulturang Anime
Talumpati Ni: Redhor Markie J. Mendoza
A-106

Ipinasa kay: Bb. Jeriny R. Geronimo
Lyceum ng Pilipinas, Maynila


PANIMULA

Binibining Jeriny Geronimo, Sa ating mga kapuwa kamag-aral, at sa inyong lahat, Magandang Umaga.

Isa akong Anime fan. Hilig ko ang panonood ng mga ito sa aming telebisyon. Partikular ako sa panonood ng de-kalidad na anime at sa istasyong ngapapalabas nito. Ngunit mayroon ng mga problema ang humaharaharang o kung hindi man ay sumisira sa pagpapalabas ng Anime. Hangad ko ang maiklaro ko ang lahat ng mga patutsada at bira ng mga taong higit na kumakalaban dito. At aalamin din natin ang mga tao na siyang naging mga haligi upang maipalabas pa ang mga ito sa telebisyong Pilipino at ang mga taong naging mga sandigan upang harapin ang mga problemang kinakaharap ng Anime.

PAGLALAHAD


Bago ko sasabihin kung ano ang mga problemang hinaharap ng Anime sa kasalukuyan, Ipapaliwanag ko muna kung ano ang ibig sabihin ng Anime, ang pagsisimula nito sa bansang Hapon at sa buong Mundo, at ang pagsisimula ng isang rebolusyon sa Pilipinas .

Ang Anime ay isang ekspresyong Hapon na ang ibig sabihin ay “any and all animation or cartoon - regardless of the genre, style, or nation of origin. Outside of Japan the word "anime" has come to refer specifically to animation of Japanese origins” ayon sa Anime News Network.

Sinasabi naman na nagsimula ang Anime kay Ozamu Tezuka, isang obrero ng pabrika. Dala na rin ng kanyang imahinasyon at panonood niya ng mga cartoons ni Walt Disney, ay sinimulan niya ang “Astro Boy”. Ang istorya para dito ay ibinase niya sa kanyang manga (komiks na gawa ng hapon). Dahil dito, dinadakila na ngayon siya ng mga anime otaku (fans at supporters ng anime) at tinatagurian na ngayong siyang “ama ng anime” at dito nagsimula ang isang rebolusyon na magtatagal hanggang sa kasalukuyan.

Sa buong mundo, nito lamang dekada ’70 hanggang ’80 lamang umusbong ang rebolusyong ito. dahil na rin sa mga anime na katulad ng “Mazinger Z”, “Mobile Suit Gundam” at iba pang mga “mecha” anime o anime na may kaugnayan sa mga robot. At dito rin sa taong ito nakalasap ang Pilipinas ng unang tikim ng Anime.

Nagsimula ito noong 1979. nang ipalabas ng GMA Radio and Television Arts ang “Voltes V”, at dito na nagsimula ang kabi-kabilang pagpapalabas ng Anime. Ngunit natigil ito dahil sa isang proklamasyon ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos na nasgsasabing “bayolente” ang palabas na ito at maaring makasama sa “pamilya at lipunan”. Ngunit ayon sa Anime News Network. Posibleng itinigil ito ng diktador dahil napakamalapit ito sa sitwasyon ng Pilipinas noong panahong iyon.
Ang pagpapahintong ito, ayon kay Marlo Magtibay, isang anime critic/commentator,sa kanyang website ang lalo pang “nagpaalab ng puso at damdamin ng mga Pilipino”. Kaya noong napaalis ang diktador noong 1986, nagbalik na rin ang kalayaan sa pagsasahimpapawid ng mga obrang ito. “Nagsimula ito sa ‘Daimos’, ‘Transformers’, ‘Macross’ atbp. sa hawak ng gobyernong networkna IBC-Islands TV 13 at RPN channel 9” ayon sa isang anime commentator na tatawagin nating si soulassasin.

Nagkaroon ng lay-low ang anime noong 1987-1989 hanggang sa lumabas ulit ito noong 1994, sa pamamagitan ng TV network na ABS-CBN ang “Julio at Julia” na idinirehe ni Danilo “Danny” Mandia, isang beteranong radio talent. Naging malaking hit na ito dahil ito ang kauna-unahang anime na gumamit ng Wikang Pambansa bilang boses nito. At ito ay sinimulan ng Dating Pangulo ng ABS-CBN na si G. Federico “Freddie” Garcia.

Dahil sa rebolusyong ito, lalong sumingkad ang anime sa Pilipinas mula noong taong 1994 hanggang 1998. Nagkaroon na rin ng bagong trabaho ang mga dating radio talent bilang mga dubbers. At ang mga istasyon ay gumagawa na rin mga hakbang para ang anime ay maging parte ng pang-araw-araw na kultura ng Pilipino. Noong panahong ding ito naging sikat ang “Zenki” at “BT’x” ng ABS-CBN

1999, Bumalik ang Voltes V na may moniker o pahaging na “The Biggest Anime Series Comeback of the Second Millennium” , Bumalik ito sa dating tahanan na GMA 7, kasama pa ang mga anime na “Gundam Wing”’, “Gundam G” sa GMA, at “Tenchi Muyo” at ang pinakasucessful na ”Neon Genesis Evangelion” sa ABS-CBN. Naging parte na rin ng network war ang Anime dahil sa kabi-kabila na paglalagay ng schedule nito sa programming ng dalawang network

Noong panahon na nagkakagulo na ang Pilipinas, taong 2001 ay nagkaroon ng isang malaking pagkauhaw ang anime dahil sa Impeachment Trial ni Dating Pangulong Joseph Estrada. Kabi-kabila ang coverage ng dalawang network para dito at talagang nasakripisyo ng husto ang anime.

Mapunta tayo sa kasalukuyan, 2004-2005. Ang anime ay hindi na kasing-tindi mula noong naging kalakasan nito noong 1994. Kahit na sabihin na natin na naging maganda ang taon para sa anime, hindi natin maiiwasan ang mga kabi-kabilang problema na nararanasan ng anime. Una na dito ang pangaalipusta ng isang anime na tinaguriang napakaganda. Ito ay ang “Mobile Suit Gundam SEED”. Pangalawa, ang panggagamit ng isang network para mapasakamay ang isang maitim na hangarin na manguna. Pangatlo, ang paghihirap ng mga anime dubbers ngunit hindi sila nabibigyan ng kakauting pagkilala. Pang-Apat, ang kakaulangan ng rekongisyon ng anime club At panghuli, ang pagpapalawak ng kulturang Tsino at Koreano.

PANININDIGAN

Paniniginanin natin ang mga problema at ang mga kaakibat na solusyon na dito. Ang unang paninindigan ukol sa “Gundam SEED” ay mahalaga, Ayon kay Magtibay. Ito “ang pinakamagandang Gundam series sa panahong ito...”. Maaring hindi kayo sasang-ayon dito sa sinasabi ko, ngunit ang kalabang anime na siyang nagpalabas ng mga tirada at patutsada na paukol dito ang sumira sa magandang anime na ito. Ang anime na ito ay mahigpit na lumaban sa Gundam SEED, at nagwagi sila. Kaya hindi malayong maging kapwa-Pilipino rin ang sisira sa rebolusyon ng Anime.

Pangalawa. Ang panggagamit ng anime ng isang makapangyarihang network upang maihangad ang kanilang patuloy na pangunguna. Ang network na ito ay tilang sadyang “inilulubog sa sariling mantika” ngayon. Sa kadahilanan ng pagpupunyagi ng isang Kapamilya na ihatid ang anime para sa nakararaming manonood sa pamamagitan ng HERO TV. Nalubog sila. Sila rin ang nanguna sa pagapapahaging na sila ang anime. At sila rin ang awtoridad ng anime. Nasaan na ang pagiging awtoridad nila?? Wala!!. Nalubog dahil sa pagkagahaman at pagiimpok ng mga programang sisira sa anime at pagkikipot ng airtime para dito. Ika nga ni Magtibay sa kanyang weblog, “Sa palagay ninyo ba, nasa inyo ang pagiging OTORIDAD ng anime? Inayos ba ninyo ang buhay ninyo?Hihintayin ko ang sagot ninyo... Basta ako, hindi ako nagkulang sa pagpapaalala... Pero ayaw ninyong makinig... Iyan tuloy ang sinapit ninyo... Kasalanan ninyo iyan... Mahirap bang gawin ang mga pinakikiusap ko sa inyo?”
Pangatlo, ang paghihirap ng mga Anime dubbers para sa kanilang rekognisyon o pagkilala. Kilala natin sina Sharon Cuneta, Vilma Santos, Edu Manzano atbp. Ngunit kilala nyo ba sina Jeff Utanes, Michael Punzalan, Wendy Villacorta-De Leon, Blair Arellano at Katherine Masilongan?? Sila ang mga boses sa likod ng mga paborito nyong mga karakter na sina Kouya Marino, Kira Yamato, Lacus Clyne, Uzomaki Naruto at Haruno Sakura. Hindi natin sila nakikilala dahil kulang sila sa rekognisyon at pagkilala. Maalala natin ang isang lathalain sa Abante Tonite noong Mayo na hindi sila nakakatanggap ng sapat na pasahod, benepisyo atbp, Ganyan din si Megumi Ogata. Isang kinkilalang dubber sa Hapon, Ayon kay soulassassin, Kaparehong-kapareho ang sitwasyon ng mga dubbers sa Hapon nang dito rin sa Pilipinas. Kaya marapat lamang na kilalanin, respetuhin at tratuhin natin sila bilang mga artista na rin dahil sa kanilang ginagawa na para mahiatid ang puso ng karakter na ginagalawan nila.

Pang-apat. Rekognisyon ng mga anime club sa mga kolehiyoat unibersidad. Ang lahat ng mga otaku ay nagsumikap na magkaroon ng dausan ng kanilang mga sentimyento at hinaing. Pinilit nilang magkaroon ng anime club sa kani-kanilang mga unibersidad, May iba na naging matagumpay. May iba na nasira. Ngunit isa lang ang gusto kong maipahayag sa araw na ito. Dapat ay maihanay ang mga anime club bilang mga kasapi sa mga college-based o school-based organizations. Mali ang gustong iparating ng mga kumakalaban sa anime na nakakasama sa pag-aaral ang anime. Mali rin ang paratang na ang mga anime otaku ay pabor sa kaharasan. Ang paghaharang na ito ang di malayong sisira rin sa pag-iisa ng mga anime otaku sa buong Pilipinas.

At Panghuli. Nakakasawa na ang pagpapalabas ng mga Tsinobela at Koreanobela sa telebisyon. Ito ang siyang pangunahing dahilan ng pagkasira ng anime. Ang mga iskedyul nito ay pilit na inilalalgay sa mg sagradong oras ng anime (5:00 – 6:00NH). Nakakasawa na ang ganitong pamamalakad ng mga Ehekutibo ng mga istasyon. Gusto kong sabihin sa araw na ito. Na ang mga anime otaku ay hindi isang minorya lang. Kami rin ay nagkakaisa at nakikibahagi rin sa lipunang aming ginagalawan. Ngunit nakikita rin namin ang bawat galaw ng mga prorgrama sa Telebisyon. Kaya ipinahahayag ko na dapat magkaroon ng PANTAY-PANTAY NA REKOGNISYON SA ANIME!!

PAMIMITAWAN

Bilang panghuling mensahe. Nais kong iparating na kaming mga komentarista sa anime ang siyang naging susi sa paglalapit ng anime at pagkakaroon ng isang malalalimang usapan ukol sa paksang ito. Hangad ko rin ang mailiwanagan kayo sa aking gustong iparating sa lahat ng tao dito sa apat na sulok ng ating klase ang paghihirap namin bilang mga komentarista, mamamahayag ng anime, at bilang mga ordinaryong tao. Muli po, isang taos pusong pasasalamat sa inyong lahat at Magandang Araw ulit sa ating lahat."

11 comments:

Anonymous said...

Magnificent! Well-done talaga 'tol! 8) Now that's one excellent Freedom strike!

Ronin AnimeLover said...

Napakaganda ng talumpati mo, na nakapagpahayag ng sentimiyento ng mga anime fans dito sa Pilipinas!

Pinapalakpakan kita. Ayos!

Unknown said...

NAPAKAGANDA!!!
NAKAHUSAY!!!
TUNAY NA MAKABAYAN ang pagiging PINOY ANIME FAN!!!

Mabuhay ang mga PINOY ANIME FANS!!!

Anonymous said...

you're so bold to do such! ^__^

Jamibu A.K.A. Zen119 said...

what can I say? i'm really impressed about your speech. good job.

Rei Kyo said...

Ay hindi nasama ang magagandang anime sa ABC 5. Wala ang kanilang Anime Everyday like F, Fancy Lala and others hits titles.Wala ang Sailor Moon na naging Anak Seal TV Awardee pa naman noong ipinapalabas ang Sailor Moon Sailor Stars.

Pero ganun pa man, nice!!!

-KiRa-YaMaTo- said...

maraming salamat po sa inyo!!

at dun sa nagcomment na isa, well, you can't please us dun sa tirada mo. KAMI naman ang magiging limelight kaya respeto naman dyan, alam ko kung sino ka at ipapamukha ko ito sa next post ko. KUNG AYAW MO, WAG MO!

Anonymous said...

ikaw markie anong pinapanood mo pokemon?

Anonymous said...

@Markie: Please LEAVE this civilized discussion, Heck... have you even finished Highschool, What Kira said is in fact true, some networks are just milking money away from the masses rather than make time for everyone, they focus on those who would give them more money.
And I'd much rather think that people like you destroy anime. People who look on the network it shows in rather than the story are the ones at fault for disregarding the value of anime.These so called "Zombies" have no idea when it comes to knowing if the anime is good or if it is utter bullshit. These are the type of people who would put Gundam Wing to the Pedestal without even watching any other Gundam Series, these are the people who take GMA's definition of "Anime Authority" seriously even when not even one station in Japan claimed that title.

As a treat for Mr Yamato, I would like to recommend his prescence in the GMA Forums

Anonymous said...

I love your speech! I really appreciate it.

Anonymous said...

ganda ng talumpati mo! da best!